View Single Post
Old 04-23-2007, 06:01 AM   #25
Cavsfan
Banned
 
Cavsfan's Avatar
 
Join Date: Apr 2007
Posts: 304
Default Re: Philippine Basketball Association Thread

GINEBRA SOSYO SA TOP SPOT

Hindi pa rin nagpapaawat ang Brgy. Ginebra Gin Kings sa pagkamal ng panalo matapos paamuin ang Coca-Cola Tigers, 105-93, kahapon sa second round matchup nila sa elimination phase ng 2007 PBA Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.

Pinalawak ng 2007 Philippine Cup champion ang kanilang winning streak sa apat kasabay ng pagsosyo sa Red Bull Barakos sa top spot sa 8-2 win-loss record.

Kuminang ng triple-double performance ang Kings import na si Rod Nealy sa pagpako ng 32 points, 11 rebounds at 11 assists habang katuwang si Billy Mamaril na may season-high 16 points, anim na boards at may 7-of-8 field goal shooting.

Nagdala rin sina Ronald Tubid ng 17 points, si Egay Echavez ay may 14 points habang si Gec Chia ay nagsubi ng 10 points.

Nabaon naman ang Tigers sa kartang 4-6 bagama’t nakakuha ng 24 points kay John Arigo at 15 points mula kay bigman Ali Peek.

Ang bagong import naman ng Coca-Cola na si Jeff Varem ay nagtala lamang ng 16 points at 11 rebounds. Si Varem, na dumating lamang noong Miyerkules, ang pumalit sa posisyon ni Anthony Johnson. Nakapaglaro na si Varem sa Cleveland Cavaliers at World Basketball sa Saitama, Japan habang nasa Nigerian national team.

Sa unang canto pa lamang ay iniwan na kaagad ng Kings ang Tigers at pinalawak pa ang kanilang abante, 55-44, sa halftime.

Mula rito ay pinagharian na ng Ginebra ang buong sagupaan bagama’t nagpakita ng kaunting pagbalik ang Tigers, 93-86, may 3:42 na lamang sa payoff period. Ngunit ito na ang pinakamalapit na kanilang naabot nang magsiklab ng 6-0 run ang Kings may mahigit dalawang minuto na lamang sa sagupaan.
Cavsfan is offline   Reply With Quote